Calendar
Parangal tinanggap ng mga parak sa PRO 4A
TUMANGGAP ng Medalya ng Kagalingan si PCpt. Jo Alvarez, ng Tiaong police, PSSg Argie Ganotice ng Laguna police, PCpl. Jan-Jan Benitez ng Cavite police noong Lunes.
Ang mga tauhan ng Police Regional Office 4A ay nagtipun-tipon sa Camp PBGen Vicente P. Lim, Calamba City kasama si ating regional director PBGen. Hansel Marantan.
Sa seremonya, kinilala ang mga tauhan ng PRO4A para sa kanilang mga nagawa sa tungkulin.
Ang Medalya ng Pagkilala ay iginawad kina PMaj. Kelvin Kim Zita at PMaj. Sesinado Andal,l Jr.
Binati ng acting regional director ang mga pinarangalan at binigyang-diin na ang bawat medalya ay hindi lamang kumakatawan sa tagumpay kundi pati na rin sa mga sakripisyo.
Hinikayat din niya ang lahat ng tauhan na sumunod sa Focused Agenda ng hepe ng PNP,.
Pinapaalalahanan niya ang lahat na ang bawat aksyon sa serbisyo ay dapat magsimula sa tunay na pagnanais na tumulong sa mga tao.

