Calendar
Batas para sa OFWs aprubado sa plenaryo; Sen. Joel nagpasalamat
PINASALAMATAN ni Sen. Joel Villanueva ang mga kapwa senador niya sa pag-apruba ng Senate Bill No. 1917 o ang Overseas Filipino Workers’ Remittance Protection Act sa plenaryo.
Sinabi ni Villanueva na layunin ng panukala na protektahan ang pinaghirapang padala ng mga OFW at tiyaking makarating ito sa kanilang mga pamilya.
“The measure we have just approved is rooted in a simple but profound objective: To do what is good for our fellow Filipinos, particularly for the millions of OFWs whose sacrifices sustain countless families and contribute significantly to the progress of our nation,” sabi ng senador.
Nilalayon ng panukala na magbigay ng proteksiyon laban sa labis na remittance fees, di-patas na palitan ng salapi, at iba pang singil kasabay ng pagsusulong ng financial literacy para sa mga OFWs at kanilang mga pamilya.

