Pagasa

7 pangala ng bagyo di na gagamitin ng PAGASA

155 Views

OPISYAL nang tinanggal ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pitong pangalan ng bagyo matapos ang matinding pinsalang idinulot ng mga ito noong 2025.

Tuluyan nang inalis sa listahan ang mga pangalang Crising, Emong, Mirasol, Nando, Opong, Tino, at Uwan matapos magdulot ng matinding pinsala sa bansa, kung saan ayon sa Office of Civil Defense (OCD) ay umabot sa 373 ang nasawi, 680 ang sugatan, at 132 ang nawawala, habang lagpas ₱36 bilyon naman ang kabuuang pinsala sa agrikultura, imprastraktura, at iba pang ari-arian dulot ng mga nasabing bagyo.

Sa patakaran ng PAGASA, awtomatikong “nireretiro” ang pangalan ng bagyo kapag umabot sa 300 ang nasawi o ₱1 bilyon pataas ang pinsala — kaya’t tuluyan na itong hindi na gagamitin pa.

Simula 2029, ipapalit ang mga bagong pangalan na Chico, Elias, Magyawan, Nilad, Omar, Tala, at Upang.

Paliwanag ng PAGASA, ginagawa ito upang maiwasan ang kalituhan at bilang pag-alala na rin sa tindi ng pinsalang iniwan ng mga naturang bagyo.