Abante

Abante: Malaki kita sa online sabong ngunit…

Mar Rodriguez Sep 2, 2022
1199 Views

BINIGYANG DIIN ng isang Metro Manila congressman na bagama’t malaki ang maitutulong ng “online sabong” para makalikom ng malaking “revenue” ang pamahalaan subalit hindi naman ito nakakatulong para mai-angat ang “moral values” ng mga Pilipino.

Ito ang sinabi ngayon ni House Deputy Majority Leader at Manila 4th Dist. Cong. Bienvenido “Benny” Abante na sa kabila ng malaking kikitain ng gobyerno mula sa operasyon ng kontrobersiyal na “online sabong” ngunit sinisira naman nito ang moralidad ng mga Pilipino.

“Malaki nga ang kinikita ng E-Sabong at naibibigay ito sa pamahalaan. Pero yung mga tumataya ay hindi naman nag-iimprove ang kanilang buhay lalo lamang silang nalulubog sa malaking pagkaka-utang at lalo lamang nitong sinisira ang kanilang moral values,” sabi ni Abante.

Nabatid din kay Abante na hati-hati ang pananaw, opinion at maging ang paninindigan ng mga kasamahan niya sa Kamara de Representantes pagdating sa usapin ng “online sabong” dahil sa paniniwalang nakakatulong ito para lumaki ang revenue ng pamahalaan.

“Hati-hati kaming mga kongresista pagdating sa iysu ng E-Sabong. Yung ibang kongresista gustong ituloy ang operasyon nito, mayroon din naman na gustong ayusin ang sistema nito para magkaroon ng revenue ang pamahalaan pero paano naman an gating mga kababayan na nalulunong dito sa E-Sabong,” dagdag pa ng mambabatas.

Dahil dito, naninindigan si Abante na kailangan talagang itigil ang operasyon ng “online sabong” sa harap ng napapabalitang muling pagbabalik ng nasabing kontrobersiyal na sugal matapos itong ipahinto ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Sa isinagawang budget hearing sa Mababang Kapulungan para sa 2023 budget ng Philippine Charity Sweeptakes Office (PCSO), sinabi ni Abante na inamin mismo ng mga opisyal ng ahensiya na malaki aniya ang epekto ng online sabong sa kinikita ng Small Town Lottery (STL).

“Sa budget hearing namin sa Kongreso para sa budget ng PCSO, tinanong ko yung PCSO kung napakalaki ba ng epekto sa STL ng E-Sabong, inamin na nila at inamin talaga nila na malaki ang epekto ng E-Sabong. Ang ibig sabihin bumaba ang kanilang revenue sa STL at duon napupunta sa E-Sabong,” ayon kay Abante.