SHS

BPSF event dinaluhan ng daan-daang graduating SHS students

Edd Reyes Mar 21, 2026
104 Views

DAAN-daang graduating estudyante ng senior high school mula sa Technical-Vocational-Livelihood (TVL), Alternative Learning System (ALS) at iba pang mga naghahanap ng trabaho sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) na inilunsad sa Caloocan sa pakikipagtulungan ng Department of Education (DepEd) at Department of Labor and Employment (DOLE).

Isinagawa ang BPSF sa Tala High School sa north Caloocan na naglaan din ng one-stop-shop para sa mga benepisyaryo upang mapadali ang libreng pag-proseso ng mga kinakailangan nilang dokumento sa pag-aaply ng trabaho.

Tinanggap ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang hatid na pagtutulungan ng lokal at pambansang pamahalaan para magkaroon ng oportunidad ang mga magtatapos na estudyante na makahanap kaagad ng trabaho.

“Ngayon, mas maganda ang option para sa ating SHS-TVL students dahil mayroong nagbukas na mga pagkakataon upang makapagsimula silang makapag-trabaho ng disente, ligtas, at marangal, lalo na upang makatulong sa pagpapaunlad ng antas ng buhay ng kanilang mga pamilya,” pahayag ni Mayor Along..

“Anuman ang piliin ninyong landas, nakahanda ang pamahalaang lungsod at ang iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan para tulungan kayo sa inyong mga pangangailangan.

Kung maisipan ninyong bumalik sa pag-aaral, nandyan ang UCC, at sa susunod, nandyan na rin ang PUP North Caloocan upang makapagtapos kayo ng kolehiyo at mas madagdagan pa ang oportunidad para sa inyong lahat,” dagdag ng mayor.