Zamora2 House Committee on Justice Vice Chair Ysabel Maria Zamora

Nakikita ni Vice Chair Zamora na sapat ang mga boto, matibay ang kaso vs VP Sara

106 Views

MAY sapat na bilang ng boto at matibay na kaso upang ituloy ang impeachment laban kay Vice President Sara Z. Duterte, sa kabila ng mga pangamba sa pulitika, ayon kay San Juan City Rep. Ysabel Maria Zamora, vice chair ng House committee on justice, nitong Sabado.

“I believe we have the numbers,” pahayag ni Zamora sa Saturday News Forum na ginanap sa Dapo Restaurant sa Quezon City.

Binanggit niya na ayon sa Konstitusyon, kinakailangan ang suporta ng hindi bababa sa isang-katlo ng kabuuang bilang ng mga kasapi ng Kamara de Representantes upang maipadala ang kaso sa Senado para sa paglilitis.

“We need one-third or around 106, if I’m not mistaken. And I believe we have the numbers,” pahayag ni Zamora.

Iginiit din ni Zamora na ang mga reklamo ay sinusuportahan ng ebidensiya, bilang tugon sa mga tanong na inihayag ng ilang mambabatas.

Aniya, may ilang kasamahan na kumukuwestiyon sa ebidensiya, ngunit binigyang-diin niyang ang kaso ay halos kapareho pa rin ng nauna, at ngayon ay may karagdagang ebidensiya at mga kalakip na dokumento, at may katulad na mga impeachable offense.

“I assured my colleagues, meron pong kaso,” saad ni Zamora.

Kinilala ng mambabatas na may ilang miyembro ang nag-aalangan, lalo na’t nalalapit ang halalan, ngunit sinabi niyang inaasahan na ito dahil sa likas na pampulitikang katangian ng impeachment.

“Tama po. I admit that some may be dillydallied. I admit that some congressmen have questions compared to last year. Well, of course, dahil paparating na nga po ang next elections,” ani Zamora.

“Again, we admit nga po na this is a political process. But as we go along, I believe that our colleagues are seeing the cause that the members of the Committee on Justice are fighting for, ’ika nga,” dagdag ni Zamora.

Samantala, nilinaw ni Zamora na ang kasalukuyang mga pagdinig sa antas ng komite ay bahagi pa lamang ng pagtukoy ng probable cause, at hindi pa isang ganap na paglilitis.

“Well, under our rules nga po, it is a hearing, but it is also stated under our rules that we can ask questions. There are examination questions that we may propound as members of the House committee on justice. Again, it is a hearing for determining probable cause,” sinabi ni Zamora.

Ipinaliwanag niya na pinahihintulutan ang mga mambabatas na magtanong ng mga paglilinaw, katulad ng isang paunang imbestigasyon na isinasagawa ng mga piskal.

“Like in a preliminary investigation before a prosecutor, before a fiscal, the fiscal can ask clarificatory questions to the witnesses or to the complainant and the respondents. So ganoon din po ang ginagawa natin,” ani Zamora.