Oducado1

Transparency sa pamahalaan itinutulak

Mar Rodriguez Apr 5, 2026
128 Views

ISINUSULONG ni 1-Tahanan Party List Rep. Nathaniel Oducado ang pagkakaroon ng transparency sa mga government transactions at hinihikayat niya ang mga kapwa mambabatas na suportahan ang pagpasa ng panukalang batas na magpapatibay sa “People’s Freedom of Information Information Act.”

Hinggil sa pagsisiwalat ng mga dokumento ng mga public officials kaugnay sa mga nangyayaring government transactions ang panukalang batas.

Ipinaliwanag ng kongresista na ang pangunahing layunin nito ay upang mapawi ang mga agam-agam ng mamamayan sa iba’t-ibang transaksyon na pinapasok ng pamahalaan, partikular na ang mga proyektong imprastraktura.

Sinabi ni Oducado na hindi dapat katakutan ng mga government officials ang paglalantad ng mga public documents dahil ito talaga ang dapat nilang gawin para ipakita sa publiko na walang nangyayaring “hokus-pokus” sa pamahalaan.

Inihain ni Oducado ang House Bill No. 8744 o ang People’s Freedom of Information Act at nagtatakda ng malinaw na panuntunan na pabor sa pagbibigay ng impormasyon sa publiko kabilang na ang Pangulo at Pangalawang Pangulo.

Nakapaloob din sa panukalang batas ang pagsisiwalat ng badyet ng pamahalaan o national budget, mga kontratang pinapasok nito at ang Statement of Assets and Liabilities Networt ng mga matataas na opisyal ng gobyerno.

Ayon pa kay Oducado, kung agad na maisasabatas ang HB N0. 8744, ang mga sikreto at lihim na transaksyon sa gobyerno ay hindi na mananatiling “lihim” sapagkat ito ay mabubulgar na sa publiko at ang mga nasasangkot at mapapanagot.

“Marami sa atin ang hindi nakakaalam na may Constitutional na karapatan ang mamamayan sa impormasyon at kung walang malinaw na proseso para dito.

Wala rin itong silbi. Nangyayari lamang ang mga katiwalian ng patago,” paliwanag ni Oducado.