Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Kawatan

Nagnakaw ng P18K na barya shoot sa selda

275 Views

Kawatan1AABOT sa P18,360 na barya ang nilimas ng dalawang suspek na kawatan sa sari-sari store sa Novaliches noong Abril 7.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas Rex, 41; at Aldin, 39, na nasakote ng mga tauhan ng Novaliches Police Station 4 sa pangunguna ni P/Lt. Col. Michael John Villanueva.

Ayon sa ulat, alas-3:00 ng madaling-araw ng sirain ng mga suspek ang kisame ng tindahan sa Susano Road, Brgy. Novaliches Proper para mapasok pero nahuli sa akto ng may-ari ang mga suspek habang kinukuha ang mga barya.

Humingi ng tulong sa mga kapitbahay ang may-ari ng tindahan kaya nai-report sa pulisya ang krimen.

Naaresto ang mga suspek bandang alas-3:30 ng umaga kasama ang ninakaw na pera at mga gamit sa krimen na diagonal cutting pliers at steel wrench.

Kinasuhan na ng robbery ang mga suspek sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Pinuri ni QCPD director P/BGen. Randy Glenn Silvio ang mga pulis sa pagkakatiklo sa dalawang suspek.