Calendar
Himas rehas ang mga suspek matapos pagtulungan bugbugin ang isang pulis na rumesponde sa kaguluhan sa Sampaloc, Manila habang pinakita naman ng biktima ang kanyang mga injuries sa katawan at ulo.
Parak sa krimen, binugbog ng mga suspek
SUGATAN ang miyembro ng Philippine National Police (PNP) matapos bugbugin at paluin ng helmet ng mga suspek na sinubukan niyang arestuhin sa G. Tuazon St. corner Batanes St., Sampaloc, Manila noong Miyerkules.
Ang biktimang pulis, si alyas Rodney, 26, nakatalaga sa QCPD.
Gulpi ang inabot niya ng mapadaan sa kaguluhan na kinasangkutan ng grupo ng mga indibidwal at biktimang rider,
Nilapitan ng rider na biktima ang pulis dahil nabiktima ng pang-aagaw ng isang menor-de-edad kaya inaresto ng pulis ang menor-de-edad para dalhin sa pinakamalapit na police station.
Dumating sa lugar ang mga kaibigan at kamag-anak ng aarestuhin at hinarap ang rider dahilan upang magtago sakay ng motorsiklo.
Itinuon ang atensyon ng mga suspek sa pulis na biktima at ipinalagay na binugbog ng huli ang menor-de-edad.
Sinaktan at sinuntok ng mga suspek ang pulis sa kanyang mukha at katawan ng ilang beses at hinampas din ng helmet sa ulo at katawan dahilan upang siya ay magtamo ng mga sugat.
Sa kabila ng kanyang pagpapakilala bilang pulis, patuloy ang pag-atake sa kanya na naging dahilan upang ang pulis ay magpaputok ng baril upang ipagtanggol ang sarili.
Humantong sa pagkakahuli sa mga suspek ang pambubugbog at naaresto sina alyas Carlo, 36; Jester, 39; Jian, 19; Jonie, 22; Aljun at isa pang John Doe.
Inihahanda ang mga reklamong direct assault at paglabag sa Article 265 (less serious physical injuries) laban sa mga naaresto.
Biktima rin si alyas John Patrick, ang rider.
Ayon sa report, bandang alas-10:40 ng gabi ng makatanggap ng tawag mula kay Police Capt. Renmar Clifford Raval, hepe ng Gulod MPD Station 4, at nag-ulat ng insidente ng pananakit at naghahanap ng reinforcement.
Ipinadala ang Tactical Motorcycle Rider Unit (TMRU) sa pangunguna ni PSSg Paul Guese at ang mga duty investigators ay pumunta sa pinangyarihan ng krimen upang magsagawa ng ocular investigation sina PSSg Paul Guese, PCpl Jeffrey Del Rosario at Pat Arsenio Carambas II.

