BIR

Sen. Win gusto paimbestigahan BIR digitalization program

84 Views

NAGHAIN si Sen. Sherwin Gatchalian ng resolusyon na humihiling ng imbestigasyon sa digitalization program ng Bureau of Internal Revenue.

Ayon sa senador, dapat gawing mas madali, mas mabilis at mas accessible ang pagbabayad ng buwis sa mga Pilipino, lalo na’t papalapit ang Abril 15 na deadline ng paghahain ng Income Tax Returns.

Sa ilalim ng Senate Resolution No. 316, ipinakita ng tax campaign ng BIR noong Pebrero na 85 porsiyento ng mga koleksyon ay dumaan sa electronic payments.

“This signals readiness for a full digital shift and underscores the need to accelerate the BIR’s digitalization program,” sabi ni Gatchalian.

Sa ilalim ng Ease of Paying Taxes Act na isinulong ni Gatchalian, inaatasan ang BIR na magpatupad ng integrated digitalization strategy sa pamamagitan ng pagbibigay ng automated end-to-end solutions para sa kapakanan ng mga taxpayer.

Upang mapabilis ang digitalization ng ahensya, nakatanggap ang BIR ng pondong P3.220 bilyon sa ilalim ng 2026 General Appropriations Act.

Gayunman, binanggit ni Gatchalian na mismong ang BIR na ang nagsabi na malabong maabot ang 99 percent digitalization rate sa 2026.