Site

2 pulitiko dumalaw sa sikat na diving site

Helen D. Prado Apr 13, 2026
66 Views

CALAPAN CITY–Dumalaw sina Mayor Doy Leachon at asawang si Board Member RL Leachon sa Harka Piloto Island noong Abril 12 para tingnan kung maganda nga ang bagong sikat na diving site sa lalawigan.

Ang nasabing isla ay isa sa mga itinuturing na hiyas at pangunahing atraksyon ng lugar, partikular ang kilalang world-class diving site na dinarayo ng mga turista.

Ang pagbisita ay bahagi ng pagsisikap ng pamahalaang lungsod na mapayabong pa ang mga tourist destinations sa lugar.

Layunin din nitong matukoy ang mga oportunidad para sa karagdagang pagpapaunlad at imprastraktura at masiguro ang kaginhawaan at kasiyahan ng mga dayuhan at lokal na bisita.