Calendar
Sen. Gatchalian: LUCs na itatayo dapat tumugon sa mandatory guidelines
ISINUSULONG ni Sen. Sherwin Gatchalian ang mandatory guidelines sa pagtatatag at operasyon ng local universities and colleges (LUCs) at dapat matugunan ng mga ito ang quality standards na itinakda ng Commission on Higher Education (CHED).
Sinabi ni Gatchalian na 59 sa 170 local universities and colleges ang walang institutional recognition mula sa CHED.
Nag-ugat ang problemang ito sa pagtatatag ng ilang LUCs bago pa makakuha ng pagkilala mula sa CHED.
“If the LUCs do not have institutional recognition from CHED, it means that they have yet to satisfy the quality or other requirements from CHED.
What we aim to do is to have a framework for the establishment of LUCs to make sure that from the onset, they are already capable of providing quality education,” ani Gatchalian.
Nauna nang naghain si Gatchalian ng Senate Bill No. 623 na naglalayong magtakda ng mandatory guidelines para sa pagtatatag at operasyon ng local universities and colleges.
Sa ilalim ng panukala, kailangang kumuha muna ng institutional recognition bilang higher education institution mula sa CHED regional offices ang mga local government unit na nais magtatag ng local universities and colleges.
Ang institutional recognition ay proseso kung saan kinikilala ng CHED ang isang educational institution bilang higher education institution matapos nitong matugunan ang minimum standards para sa quality education.
Sinabi ni Gatchalian na layunin ng proposed framework na matiyak na ang local universities and colleges ay may kakayahang magbigay ng dekalidad na edukasyon mula sa simula, sa halip na maitatag muna bago makakuha ng institutional recognition.

