Calendar
PRC, Batangas City palalakasin Blood Samaristan Program

LUNGSOD NG BATANGAS–Palalakasin nina Mayor Marvey Mariño at mga opisyal ng Philippine Red Cross (PRC) ang Batangas City Blood Samaritan Program.
Ipinakita ng mga pumirma sa Memorandum of Agreement (MOA), na nilagdaan noong April 20, ang patunay na palalakasin ang programa.
Sa ilalim ng MOA, maglalaan ang Batangas City ng P3 milyon sa loob ng tatlong taon bilang pondo ng programa.
Iniabot ni Mayor Mariño ang P3 milyong pondo para sa 2026.
Ang Blood Samaritan Program ay inilunsad sa administrasyon ni dating Mayor at ngayo’y Congresswoman Beverley Dimacuha at lalong pinalawak ng administrasyon ni Mayor Mariño.
Layunin ng programa na matiyak ang pagtugon sa pangangailangan sa dugo ng mga lehitimong residente ng lungsod at makinabang ang lahat ng residente ng Batangas City saan mang ospital o probinsya.
Makikipag-ugnayan lamang ang PRC sa lugar kung saan naroon ang pasyente sa PRC Batangas Chapter upang mapadali ang pagproseso.
Ang Batangas City pa lamang ang may ganitong programa sa bansa kung saan ang lahat ng residente—anumang estado sa buhay—ay maaaring makinabang.
Dumalo rin sa MOA signing ang mga kinatawan ng PRC, kabilang sina Secretary General Gwendolyn Pang, Batangas Chapter Chairperson Honesto Babasa, Vice Chairperson Engr. Vicente Ramos, Atty. Roel Cao Garcia, Chapter Administrator, Ronald Generoso at City Administrator Engr. Sonny Godoy.

