Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

Mas matibay na suporta sa PH creative industry hiling ni Sen. Bam

25 Views

NANAWAGAN si Sen. Paolo Benigno “Bam” Aquino IV ng mas matibay na suporta ng pamahalaan sa creative industry ng bansa.

Ayon sa senador, ang Filipino artists at creators ay maaaring makalikha ng mas maraming trabaho, kabuhayan at economic growth kung mabibigyan ng tamang pondo at pangmatagalang plano.

Sinabi ni Aquino na isa ang creative sector sa mga lakas ng bansa at dapat itong ituring na seryosong pinagmumulan ng trabaho at oportunidad.

Ayon pa kay Aquino, ang suporta sa Filipino creatives, artists, content creators, filmmakers, musicians, writers at designers ay maaaring magbukas ng mas maraming kabuhayan at oportunidad sa trabaho habang ipinapakita ang galing ng Pilipino sa ibang bansa.

Dumating ang panawagan matapos pagtibayin ng Senado ang Senate Resolution No. 370, na inihain ni Aquino upang parangalan ang Filipino P-pop group na BINI matapos nitong maging kauna-unahang Filipino group na nagtanghal sa Coachella Valley Music and Arts Festival sa Indio, California.

Sinabi niya na ipinakita rin ng BINI ang Filipino pride sa pamamagitan ng traditional elements sa kanilang costumes, music at choreography.

“Ang tagumpay ng BINI ay isang panalong dapat ipagdiwang sa gitna ng mga hamon at krisis na kinahaharap ng ating bansa,” sabi ni Aquino.

“I believe na dapat ma-share ito to all of the artists, hindi lang mga OPM artists kung ’di pati lahat ng mga creatives out there na walang means, walang outlet, walang platform for it,” ani BINI Maloi.

Sinabi ni Aquino na ang pagkilala sa BINI ay dapat ding magturo sa pangangailangan ng praktikal na suporta upang mas maraming Pilipino ang makapagpalago ng creative talent bilang trabaho, kita at global opportunity.