Calendar
Paglabas ng police mobile, pagtakas ni Sen. Bato nagkataon–Pasay COP
NAGKATAON lang ang paglabas sa compound ng Senado ng police mobile kasunod ng hinihinalang sasakyang lulan sina Sens. Ronald “Bato” Dela Rosa at Robin Padilla.
Ito ang paliwanag ni Pasay police chief P/Col. Joselito De Sesto na sinabing siya ang sakay ng police mobile.
Hindi nila inescortan ang unang itim na sasakyan na hinihinalang ginamit sa pagtakas ni Sen. Dela Rosa na nakita sa video nang lumabas ng compound.
Hindi rin nila alam kung sino ang sakay ng naunang sasakyan nang lumabas sila sa gate ng Senado dakong alas-3 ng madaling araw noong Biyernes kung saan napaulat na nakatakas si Dela Rosa, kasama si Padilla.
Bahagi ng police operations sa lugar ang pagpunta niya sa Senado at pagbalik na muli sa Pasay Police Station at wala itong kaugnayan sa sinasabing sinusundan o binabantayan nilang sasakyan.
Wala rin aniyang anumang koordinasyon sa kanya o kaninuman sa kanyang kasama sa police mobile kung sino ang mga sakay ng nasundan nilang itim na sasakyan palabas ng compound.

