Calendar
Sub comm na di sa plenaryo ginawa hindi legal — Sotto
KINUWESTYON ni dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang ulat na paglikha ng Blue Ribbon subcommittee upang ipagpatuloy ang flood-control probe, kasabay ng pagsasabing dapat itong idaan muna sa plenaryo.
Ginawa ni Sotto ang pahayag sa isang Senate media group chat matapos siyang tanungin ng mga reporter tungkol sa mga ulat na plano ni Senate President Alan Peter Cayetano na lumikha ng subcommittee para hawakan ang flood-control investigation.
“Paano mag crecreate ng sub comm na hindi sa plenary ginawa? Not legal,” sabi ni Sotto.
Dagdag pa ni Sotto: “Yes ok. Sa plenary nya gawin sa Monday para legal.”
Ang palitan ng mensahe ay kasunod ng mga tanong mula sa mga reporter kung maaari bang maglabas ng hearing notices habang hindi pa umano pinal ang representasyon ng minority bloc sa Blue Ribbon Committee at iba pang komite ng Senado.
Tinanong ng isang reporter si Sotto kung maaari bang maglabas ng notices kahit wala pa umanong minority bloc contingent sa Blue Ribbon Committee at iba pang komite.
Ang iniulat na subcommittee plan ay hindi pa nakukumpirma sa pamamagitan ng official Senate notice, committee record o plenary action.
Nauna nang iniulat na nagkaroon ng pagbabago sa Blue Ribbon Committee matapos ang leadership shift sa Senado, kung saan natanggal si Senador Panfilo “Ping” Lacson bilang chair at napalitan ni Senadora Pia Cayetano.
Iniulat din na sina Senador Jose “Jinggoy” Estrada at Senador Rodante Marcoleta ay nahalal bilang vice chairs ng panel.
Iniimbestigahan ng Blue Ribbon Committee ang umano’y iregularidad sa flood-control projects bago ang leadership change.
Maaaring magbukas ang usapin ng mga tanong tungkol sa committee authority, minority representation, at tamang proseso sa paglikha ng subcommittees o paglalabas ng hearing notices.
Nakatuon ang pahayag ni Sotto sa kung dapat munang dalhin sa plenaryo ang iniulat na subcommittee plan bago maglabas ng notices.

