Calendar
Suspek sa ambush ng 5 pulis tiklo sa GenSan airport
TIMBOG noong Sabado sa General Santos International Airport ang isa sa mga suspek na pinaniniwalaang sangkot sa pananambang sa mga pulis noong Marso.
Inaresto ng mga tauhan ng Aviation Security Group (AVSEGROUP) ang suspek sa mga kasong limang bilang ng murder, tatlong bilang ng frustrated murder at robbery with violence against intimidation of person.
Nangyari ang pananambang noong Marso 28, 2026 sa Brgy Mother Poblacion sa Shariff Aguak, Maguindanao del Sur na ikinasawi ng limang pulis na nakatalaga sa 2nd Provincial Mobile Force Company at malubhang pagkakasugat ng tatlo habang sakay ng kanilang mobile patrol pabalik na sa Camp Datu Akilan matapos ang patrol mission.
“This arrest reflects the unwavering commitment of the Philippine National Police to pursue those who harm our personnel and threaten public safety.
The PNP AVSEGROUP remains steadfast in supporting all law enforcement efforts to ensure that justice is served,” pahayag ni AVSEGROUP director P/BGen. Dionisio Bartolome Jr.

