Hot News

14-anyos nanaksak sa Cavite, 7 estudyante sugatan

Zaida Delos Reyes Jun 16, 2026
107 Views

PITONG Grade 5 students ang sugatan matapos saksakin ng 14-anyos na Grade 8 students sa loob ng kanilang classroom sa Bethel Academy sa General Trias Cavite.

Agad na isinugod sa pagamutan ang mga biktima na may edad na 10 hanggang 11 taong gulang.

Dinala naman sa kustodiya ng DSWD ang babaeng suspect na transferee mula sa ibang eskwelahan.

Ayon kay Police Lt. Col. Bismark S. Mendoza, chief of police ng General Trias Cavite, naganap ang insidente dakong 8:30 ng umaga sa loob ng naturang paaralan.

Nagtungo umano ang suspect sa classroom ng mga biktima at isinagawa ang krimen.

Nilinaw din ng pulis na walang kinalaman sa bullying o gang war ang insidente dahil may personal na problema ang suspect.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.