Pasahero tiyaking ligtas–LTFRB chief sa mga drivers

Jun I Legaspi Jul 3, 2026
119 Views

NAGBABALA ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), sa lahat ng driver ng public utility vehicle (PUV) na tiyaking ligtas ang kanilang mga pasahero sa lahat ng oras.

Naglabas ng babala si LTFRB Chairman Vigor D. Mendoza II matapos mag-viral ang dashcam video kung saan nahulog ang isang pasahero mula sa jeep dahil sa umano’y reckless driving ng driver noong Hunyo 23.

“Ang mga public utility vehicle ay hindi ginawa o pinahintulutang gamitin para sa karera,” ani Chairman Vigor.

Responsibilidad din ng mga operator na tiyaking roadworthy ang kanilang mga sasakyan at kumuha lamang ng mga responsable at maingat na driver.

Sa inilabas na show cause order (SCO), inatasan ang operator na magsumite ng nakasulat na paliwanag kung bakit hindi dapat suspendihin o kanselahin ang prangkisa ng kanyang sasakyan.

Kabilang sa mga paglabag ang kabiguang magbigay ng ligtas, maaasahan, at maginhawang serbisyo sa pampublikong transportasyon, gayundin ang pag-employ ng isang reckless driver.

Itinakda ang pagdinig sa Hulyo 14.

“Hindi natin kukunsintihin ang ganitong uri ng mapanganib na pagmamaneho. Sisiguraduhin nating matututo ng leksyon ang driver sa insidenteng ito,” ani Chairman Vigor.

Nagpasalamat din siya sa netizen na nagbahagi ng dashcam video at hinikayat ang publiko na ireport ang mga paglabag sa kalsada upang agad na makakilos ang LTFRB.

Sa parehong SCO, inatasan din ang operator na isuko ang plaka ng jeep, ipasailalim ang driver sa mandatory drug test at road safety seminar, at ipa-inspeksyon ang sasakyan upang matiyak ang roadworthiness nito.

Binalaan din ng LTFRB ang operator na ang hindi pagsunod sa summons ay maaaring magresulta sa multang P5,000 at pagbawi ng prangkisaasaherong jeep na biyaheng Cubao.