Calendar
Dahil sa shabu, 1 suspek na tulak, kasama tiklo

KAMPO HENERAL MALVAR–Bagsak sa kulungan noong Sabado ang isang drug suspek at isang kasama matapos makuhanan ng nasa P340,000 na halaga ng hinihinalang shabu sa Brgy. Bucal, Batangas City.
Kinilala ni PCol. Oliver Ebora, director ng Batangas Police Provincial Office, ang mga arestadong suspek na sina alyas Toto, 43; at Gab, 21.
Ikinasa ang operasyon laban sa 2 bandang alas-10:00 ng umaga at nahuli sa akto ang mga suspek matapos magbenta ng ilegal na droga sa isang poseur-buyer.
Nasamsam mula sa mga suspek ang 50 gramo ng hinihinalang shabu, boodle money na nagkakahalaga ng P100,000, isang cellphone at P300 cash.
Gumamit ang mga pulis ng dalawang body-worn cameras para sa dokumentasyon.
Nakapiit ang mga suspek at nahaharap sa kaukulang kaso, ayon sa report.

