SONA

PRO 4A handa sa pagbibigay ng seguridad para sa SONA

28 Views

SONA1SONA2

KAMPO VICENTE LIM, Calamba City, Laguna–Sinimulan na ng mga tauhan ng Police Regional Office (PRO) 4A ang pagpapatupad ng kanilang mga security protocol para sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Sa ilalim ni Police Brigadier General Dominic Baccay, sinimulan na ng mga tauhan ng CALABARZON police ang pagpapatupad ng kanilang mga security protocol.

Kabilang dito ang personnel accounting, pinal na oryentasyon, at opisyal na pagpapakalat ng mga tauhan sa mga madiskarteng lugar.

Nakatutok ang operasyon ng PRO 4A sa prinsipyong B.E.S.T. (Be Visible, Engage Immediately, Serve Together, at Transform Trust) na nakatugon din sa Focused Agenda ng Chief PNP.

“Layunin ng PRO4A na matiyak ang isang mapayapa, maayos, at ligtas na SONA 2026 hindi lamang para sa mga dumalo kundi para sa buong rehiyon,” pahayag ng pamunuan ng PRO 4A.

Nakahanda ang pambansang pulisya na magbigay ng mabilis na pagtugon at siguruhin ang kaligtasan ng publiko habang ginaganap ang taunang ulat ng Pangulo.