Boga

Parak-NE bumira; 12 suspek sa krimen inaresto

Steve A. Gosuico Aug 16, 2026
168 Views

CAMP GEN. MARIANO N. LLANERA, Cabanatuan City – Nalambat ng Nueva Ecija police ang dalawa umanong suspek na tulak at 10 iba pa na nagresulta rin sa pagsamsam ng P470,100 na halaga ng shabu at dalawang baril, ayon kay Col. Ritchie Claravall, hepe ng pulisya ng lalawigan.

Kinilala ang mga naarestong suspek na 45-anyos at 37-anyos na babae.

Nakumpiska sa kanila ang 51 gramo ng shabu na katumbas ng P346,000.

Nahuli naman ng mga operatiba ng Cabanatuan City, San Jose City, Laur at San Isidro police ang apat na suspek na may pag-iingat na 11.25 ng gramo ng shabu katumbas ng P76,500.

Nahuli rin ng awtoridad ang dalawang lalaki at nakuhanan sila ng 7 gramo ng shabu na katumbas ng P47,600, dalawang kalibre 38 baril, 10 bala, isang magazine ng kalibre .45 at walong bala ng nasabing kalibre.

Sa kabuuan, aabot ang nakumpiskang shabu sa halagang P470,100.

May naarestong apat na wanted persons sa manhunt sa Cabanatuan City (1), Quezon (1) at San Leonardo (1) dahil sa mga kasong reckless imprudence resulting in physical injury, slight physical injuries at reckless imprudence resulting in damage to property at estafa.