Calendar
Taumbayan magagalit pag VP Sara pinayagang mag-resign
MAGANDANG araw sa lahat ng ating mga suki.
Nawa’y nasa maayos at ligtas kayong kalagayan.
Binabati rin natin sina Ma. Theresa Yasuki, La Dy Pinky, Mama Aki, Tata Yap Yamazaki, Endo Yumi, Lorna Pangan Tadokoro, Patricia Coronel, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Hiroki Hayashi, Roana San Jose at Hiroshi Katsumata.
Ganun din kay Joann de Guzman at iba pang OFW natin sa Oman.
Mabuhay kayong lahat!
***
Mayroon na lang nalalabing 134 days, matatapos na ang taong 2026.
Pero kagaya ng mga nakaraang mga taon, lumolobo ang volume at value ng mga dumarating na shipments dahil nagdaratingan na ang mga tinatawag na Christmas items.
Kaya naman naniniwala tayo na magiging banner year ang 2026 para sa Bureau of Customs (BOC) kung ang pag-uusapan ay revenue collections at mga pagbabagong nagawa ni Commissioner Ariel F Nepomuceno para mapaganda ang imahe ng BOC.
Sa taong ito, ang tax collection target ng BOC, sa pamumuno ni Commissioner Nepomuceno, ay mahigit sa P1 trilyon.
Ito ang pinakamataas na taunang revenue target ng ahensya sa kasaysayan.
Maliban sa mga buwis, taripa at iba pang bayarin na ipinapataw sa mga importasyon, kasama na ang mamahgaling sasakyan, may iba pang ipinanggagalingan ng kita ang BOC.
Nandiyan ang pagsubasta at negotiated sale ng mga kumpiskado, abandonado at forfeited goods.
Malaki rin ang naia-ambag sa kita ng ahensiya mula sa public auction at negotiated sale.
Kaya nga kabilin-bilinan ni Commissioner Nepomuceno na bantayang mabuti ang mga nakaimbak na forfeited, abandoned at kumpiskadong goods sa iba’t ibang collection districts.
May 17 collection districts ang BOC sa buong bansa.
Gusto ni Commissioner Nepomuceno na siguruhing walang mawalang shipments na nakaimbak sa mga bodega o warehouse.
Kagaya ng iba pang opisina at ahensya ng gobyerno, nasyonal man o local, ay nadiyan pa rin ang ilang tiwaling lingkod-bayan na patuloy na gumagawa ng mga kalokohan.
Ito ay kahit na naglunsad na ang gobyerno ni Pangulong Ferdinand E, Marcos Jr ng nationwide campaign laban sa graft and corruption.
Dati, ang snake-infested waterfront ay ginagawang playground ng mga politikong nag-iipon ng election campaign fund.
Nagagawa nila ito sa tulong ng mga taong naipasok nilang mga opisyal at empleyado sa aduana.
Ang mga lingkod-bayan na ito ay napipilitang gumawa ng milagro para lang makatulong sa kani-kanilang mga among politiko, na karamihan naman ay mga lokal na lider.
Pero sa paglipas ng panahon ay unti-unting nawala ang “asim” ng mga politikong ito dahil sa reporma at pagbabagong ipinatupad ng mga nagdaang BOC commissioners.
Sa panahon nga ni Commissioner Nepomuceno ay may zero tolerance siya sa mga kalokohan.
Gusto niyang makatulong kay Pangulong Marcos para mapaganda ang serbisyo sa mga pantalan.
****
Siguradong magagalit ang taumbayan sakaling payagang mag-resign si Vice President Sara Duterte para makatakbo sa pagka-Pangulo sa 2028.
Hindi dapat mangyari ito dahil si VP Duterte ay nahaharap sa mabibigat na kaso.
Ang mga kaso ay kinabibilangan ng bantang pagpatay kay Pangulong Marcos, First Lady Liza Araneta Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez . Bukod pa sa paglustay ng government funds.
Hindi biro ang mga akusasyon laban may Inday Sara.
Kung walang kasalanan si VP Sara, dapat lang na mapawalang sala siya gaya ng isinasaad ng ating Saligang Batas.
Pero kung mapatunayan naman na may kasalanan, dapat matanggal siya sa puwesto.
Kapag nawala na siya sa puwesto, dapat kasuhan siya sa mga korte para pagdusahan niya sa bilangguan ang nga katiwaliang nangyari sa panahon ng kanyang panunungkulan.
Walang sinasabi sa Constitution na puwedeng palampasin ang mga kasalanang ginawa ng isang impeachable official.
Hindi puwedeng ayusin sa labas ng impeachment court ang mga bintang laban sa inaakusahang opisyal.
Tama ba kami, Pangulong Marcos at Reps, Chel Diokno, Jinky Luistro at Benny Abante?
(Para sa inyong komento at pagbati, mag-text sa #09178724484/email: philipreyes08@yahoo.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)
