Vic Reyes

BOC chief pinuri ni Arranza sa pagpapataas ng PH standards

Vic Reyes Aug 23, 2026
182 Views

MAGANDANG araw sa lahat ng ating mga suki, lalo na sa Japan at Oman.

Nawa’y nasa maayos at ligtas kayong kalagayan.

Binabati natin ang mga kababayan natin sa Japan na sina: Ma. Theresa Yasuki, La Dy Pinky, Mama Aki, Tata Yap Yamazaki, Endo Yumi, Lorna Pangan Tadokoro, Patricia Coronel, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Hiroki Hayashi, Roana San Jose at Hiroshi Katsumata.

Ganun din kina Joann de Guzman, Jocelyn De leon ng Oman at iba pang OFW.

Mabuhay kayong lahat!

***

Hindi na tayo magtataka kung bakit natutuwa ang mga local manufacturers sa pamumuno ni Commissioner Ariel F. Nepomuceno sa Bureau of Customs (BOC).

Nanggaling ito sa Federation of Philippine Industries (FPI) na pinamumunuan ni Dr. Jesus “Jess” Arranza.

Saludo ang mga local manufacturers kay Nepomuceno, na isang “proud son” ng Malabon City,

Ayon kay Arranza, Nepomuceno “is making meaningful programs toward ensuring a level playing field for Philippine manufacturers that comply with laws, pay the correct taxes, and uphold Philippine standards.”

Mahalaga ang papuri dahil nanggaling mismo sa grupo na lumalaban para maprotektahan ang mga negosyo sa bansa at lumaki ang revenue collection ng gobyerno.

Sa huling general membership meeting ng FPI, inisa-isa ni Arranza ang “BOC’s programs in anti-smuggling efforts, trade facilitation, industry engagement and governance reforms.”

Ayon pa kay Arranza, “developments over the past year have improved collection performance and strengthened border protection.”

Mahalaga ang mga ito sa local manufacturers dahil bawat kontrabandong natatanggal sa merkado “helps restore fair competition.”

Madalas kasi ay mas nabibili ang mga kontrabando. Mura ang mga ito dahil wala silang binabayarang buwis.

Kawawa ang mga lokal na negosyante dahil nalulugi sila sa kagagawan ng mga tusong ismagler na tinutulungan ng mga tiwaling lingkod-bayan.

Alam ng pamunuan ng FPI na ginagawa lahat nina Commissioner Nepomuceno ang lahat para labanan ang ismagling.

May kasunduan rin ang BOC at FPI na nagpapahintulot sa huli na sumama sa “monitoring and inspecting of high-risk shipments.”

Ang tawag sa mga taga-FPI na kasama sa inspeksyon ay “Industry Technical Experts (ITEs).

Dapat lang na tulungan ng gobyerno, sa pamamagitan ng BOC, ang mga lokal na negosyante.

Sabi ng FPI, ang isang local manufacturer na nagbabayad ng tamang buwis at gumagamit ng Filipino workers “should not have to compete against smuggled goods.”

Ang mga produktong ito ay pumapasok sa bansa sa pamamagitan ng undervaluation, misdeclaration at ibang fraudulent activities.

Mabuti pa ang FPI at nakikita ang mga positibong ginagawa ng mga taga-BOC para maging world-class ang serbisyo sa aduana.

Dati, ang aduana ay kilalang “snake-infested” dahil sa mga kalokohang ginagawa ng mga tiwaling opisyal at empleyado.

Nagbago na ang imahe ng aduana dahil sa mga reporma at pagbabagong ipinapatupad ni Commissioner Ariel.

***

Mahirap ng makalusot sa mga pantalan ang mga illegal drugs na gustong ipasok sa bansa.

Mabibisto ang mga ito dahil well-trained na ang mga opisyal at kawani ng Bureau of Customs (BOC).

Nandiyan pa ang mga state-of-the-art na kagamitan para malaman kung may mga nakatagong kontrabando sa mga bagahe.

Tama ang laging sinasabi ni Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno sa mga ismagler “na mauubos lang ang mga pera ninyo.”

Hindi nga nakalusot sa mga taga-BOC at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga shabung dumating sa Manila International Container Port (MICP).

Ang shabu, na tumitimbang ng 43 kilograms at galing ng Afghanistan, ay nagkakahalaga ng P292.4 milyon.

Ito ay nakalagay sa dalawang fabric pouches na laman ng dalawang 20-foot containers na deklaradong naglalaman ng talc stones.

Nabisto ang mga droga dahil sa close monitoring ng high-risk shipments na dumarating sa bansa.

At nang buksan nga ang dalawang containers ay nakita ang dalawang fabric pouches na naglalaman ng mga droga.

Good job, BOC at PDEA sa MICP!

(Para sa komento at pagbati, mag-text sa #0917-8624484/email: philipreyes08@yahoo..com.)