Laguna Maraming taga-Laguna ang nakinabang sa libreng medical services na isinagawa nitong Agosto 19, 2026. GIL AMAN

Libreng medical services isinagawa sa Laguna

Gil Aman Aug 19, 2026
34 Views

ISINAGAWA nitong Agosto 19, sa Barangay San Agustin, Bay, Laguna ang pagpapatuloy ng mga libreng programang medikal at pangkalusugan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna sa inisyatiba ni Gobernador Sol Aragones.

Sa pangunguna ng Provincial Health Office, Laguna Health Team, at Chief of Hospitals, katuwang ang mga healthcare workers, isinagawa ang pamamahagi ng libreng laboratory test results para sa mga residente ng barangay.

Kasabay nito, nagtungo rin ang Akay ni Gob Botika sa San Agustin upang mamahagi ng mga libreng gamot sa mga nangangailangan.

Nagpasalamat ang isang senior citizen sa patuloy na pagdadala ng mga programang pangkalusugan sa kanilang barangay. “Maraming salamat po kay Gob. Sol dahil nakakarating po sa aming barangay ang libreng check-up at mga gamot,” aniya.

Patuloy namang ilalapit ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga programang pangkalusugan sa bawat barangay at bawat Lagunense, bilang bahagi ng adhikain ni Gobernador Sol Aragones na mas mapalapit ang tulong pangkalusugan sa mamamayan.