Drugs

50 gramong shabu nakuha sa suspek na tulak

134 Views

Drugs1KAMPO HENERAL MALVAR, Batangas City–Nadakip ng mga awtoridad ang High-Value Individual (HVI) at nakumpiskahan ng P340,000 na halaga ng hinihinalang shabu sa Brgy. Balagtas, ng siyudad na ito noong Huwebes.

Kinilala ni PCol. Oliver Ebora, director ng Batangas police, ang suspek na si alyas Lony, 52.

Isinagawa ng City Drug Enforcement Team ng Batangas City police laban sa suspek dakong alas-9:12 ng gabi at nakumpiska ang humigit-kumulang 50 gramo ng hinihinalang shabu, buy-bust money, at isang cellphone.

Kakasuhan ang suspek ng paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Nasa kustodiya ng pulisya ang suspek habang inihahanda ang pormal na kasong isasampa laban sa kaniya.