Calendar
Lola, 63, na nakaladkad ng van, tumama sa poste, ligtas na
LIGTAS na ang 63-anyos na si alyas Cora matapos makaladkad ng delivery van dahil naoperahan na sa Philippine Orthopedic Center sa utos ni Mayor Wes Gatchalian.
Ipinalipat dito ni Mayor Gatchalian mula sa Valenzuela Medical Center kung saan una siyang isinugod noong Agosto 25.
Sa ulat ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, dumaraan ang delivery van ng J&T Express na minamaneho ng 51-anyos na tsuper sa Gen. T. De Leon St., alas-6:49 ng umaga ng sumabit sa hulihang bumper ng van ang kable at pumulupot sa katawan ng biktima kaya’t nakaladkad siya at tumama ang katawan sa poste.
Nangako ang J&T na sasagutin ang gastusin sa operasyon ng biktima at nagpadala ng P200,000 at tiniyak din ng Meralco na magbibigay ng tulong.
Mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in serious physical injuries ang driver ng delivery van.
Agad na kumilos ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela upang matulungan ang lolang street sweeper na malubhang nasugatan sa insidente.
Kinailangang operahan sa balikat at mga paa si alyas Cora sa Philippine Orthopedic si Center matapos siyang ipalipat dito ni Mayor Wes Gatchalian mula sa Valenzuela Medical Center kung saan una siyang isinugod noong Martes ng umaga, Agosto 25, 2025.
Sa ulat ng tanggapan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, dumaraan ang delivery van ng J&T Express na minamaneho ng 51-anyos na tsuper sa Gen. T. De Leon St., alas-6:49 ng umaga nang sumabit sa hulihang bumper nito ang nakalaylay na kable na aksidenteng pumulupot sa katawan ng biktima kaya’t nakaladkad siya at tumama pa ang katawan sa poste ng Meralco.
Noong Huwebes ay dinalaw ng alkalde sa pagamutan at biktima bago nagpatawag ng pagpupulong sa mga kinatawan ng courier service at Meralco upang alamin ang kabuuang detalye sa nangyaring insidente.
Naglabas ang Meralco ng patunay na hindi sa kanila ang kableng nakalaylay na ikinabit sa kanilang poste.
Sa kabila nito, mahaharap pa rin sa kasong Reckless Imprudence Resulting In Serious Physical Injuries ang driver ng delivery van habang inatasan na rin ni Mayor Gatchalian ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO) na magkaloob ng kinakailangang pinansiyal na tulong sa pamilya ng biktima upang makatulong sa kanilang mga gastusin.

