Pulis

Baccay pinarangalan bayaning parak na nadedo sa suspek

43 Views

Pulis1

KAMPO VICENTE LIM, Calamba City–Namatay ang pulis nang barilin ng kanyang hinuhuling suspek kamakailan.

Pumanaw sa ospital si Police Staff Sergeant (PSSg) Von Rico Bibaño Macuha matapos barilin ng tumatakas na suspek habang may manhunt operation ang mga pulis laban sa nakatakas na suspek.

Pinarangalan ni Assistant Regional Director Police Brigadier General Dominic Baccay si Macuha kasabay ng pagdiriwang ng National Heroes Day.

Binigyang-diin niya ang sakripisyo ng pulis para sa kaligtasan ng publiko.

“Ang kanyang sakripisyo ay nagpapaalala sa atin na ang kabayanihan ay hindi lamang matatagpuan sa mga pahina ng kasaysayan. Ito ay nananahan sa katapangan ng mga naglilingkod sa kapwa,” pahayag ni Baccay.

Idinagdag pa ng opisyal na hindi malilimutan ang serbisyo ni Macuha kasama ang iba pang mga kasapi ng kapulisan.