Martin

Pamimigay ng ayuda pinangunahan ni PBBM, Romualdez, Tingog

223 Views

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Speaker Martin G. Romualdez at Tingog party-list ang pamimigay ng financial assistance sa mga taga-Leyte.

Nakatanggap din ng mga equipment at emergency vehicle ang mga lokal na pamahalaan at eskuwelahan sa probinsya.

Si Marcos ang guest of honor sa programang inihanda sa Leyte Academic Center sa Palo, Leyte, kung saan binigyan ng ayuda ang iba’t ibang sektor kasama na ang mga magsasaka.

“Thank you for your presence here today, as we gather for the ceremonial turnover of financial and other forms of assistance to our people from various agencies of our national government,” sabi ni Romualdez.

Si Marcos ay dumalo din sa komemorasyon ng ikasiyam na anibersaryo ng pananalasa ng bagyong Yolanda.

“The helping hand extended by our national government could not have come at a more opportune time for our province has been visited recently by successive storms that made life even more difficult for many of our people,” dagdag pa ni Romualdez.

Nagsama rin sina Marcos, Speaker Romualdez at kinatawan ng Tingog party-list na sina Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude Acidre sa ceremonial turnover ng 100 unit ng laptop sa Department of Education (DepEd).

Galing ang laptop sa Department of Information and Communications Technology (DICT) sa ilalim ng Tech4ED program.

Nagbigay din ng 20 ambulansya ang Department of Health (DoH) sa mga lokal na pamahalaan sa ilalim ng Health Facilities Enhancement Program (HFEP).

Namahagi ang Department of Agriculture (DA) ng tig-P5,000 sa may 1,200 magsasaka sa ilalim ng Rice Farmer Financial Assistance program.

Nagbigay din ang DA ng disinfection truck sa provincial government ng Southern Leyte at bayan ng Allen sa Northern Samar.

Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay namigay naamn ng cash assistance sa may 300 benepisyaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program nito.

Nasa 200 residente naman ang nakatanggap ng tig-P5,250 sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment’s (DoLE).

“We are fortunate and truly grateful that the current administration is not blind to our people’s plight and has seen fit to help us,” sabi ni Romualdez.

Sina Marcos at Speaker Romualdez ay nasa Leyte para sa komemorasyon ng anibersaryo ng pananalasa ng bagyong Yolanda noong 2013.