Calendar
Bandila ng Pilipinas itinaas, music video ipinalabas sa PCG-San Francisco


ITINAAS ang watawat ng Pilipinas kamakailan sa Philippine Consulate General-San Francisco office upang salubungin ang Maritime and Archipelagic Nation Awareness Month (MANA Mo) 2026 sa San Francisco, California.
Pinangunahan ni Konsul Heneral Arnel Talisayon ang pagbabasa ng mensahe mula kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at nakinig ang mga kawani ng konsulado at iba’t-ibang ahensya sa pahayag ni Secretary of Foreign Affairs Ma. Theresa Lazaro.
Umani ng palakpakan ang pagpapalabas ng music video na MANA Mo 2026 na may pamagat na “Karapatan sa Karagatan.”
Uminit ang pagdiriwang dahil sinasariwa ang ika-10 anibersaryo ng 2016 Arbitral Award, isang paninindigan ng Pilipinas sa pandaigdigang batas at karapatan sa karagatan.
Patuloy ang paninindigan ng Konsulado sa San Francisco na palakasin ang kaalaman ng publiko at pangalagaan ang yamang-dagat ng Pilipinas.

