Ebora

Pamilya ng Pulis Program inilunsad ng BPPO

163 Views

Ebora1

KAMPO HENERAL MALVAR, Lungsod ng Batangas–Inilunsad dito ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), sa pangunguna ni Provincial Director PCol. Oliver Ebora, ang “Pamilya ng Pulis Program.”

Nilalayon ng programa na palakasin ang samahan at buklod-pamilya ng mga tauhan ng PNP sa pamamagitan ng pagbibigay ng gabay espirituwal at sapat na oras para sa kanilang mga mahal sa buhay.

Pinangunahan ang aktibidad ng Provincial Personnel and Records Management Section (PARMU) katuwang si Rev. Fr. Gerald I. Macalinao, ang spiritual director ng Batangas PPO, at ang mga miyembro ng Couples for Christ.

Bahagi ng programa ang Marriage Enrichment and Family Encounter Seminar kung saan nagbahagi ng kanilang mga karanasan ang mga pulis at kanilang pamilya.

Binigyang-diin ang kahalagahan ng pagpapanatili ng balanse sa pagitan ng mapanganib na tungkulin sa trabaho at dedikasyon sa pamilya.

Malaking ambag ang isang matatag at sumusuportang pamilya upang mapalakas ang moral, kahusayan at pangkalahatang kapakanan ng bawat alagad ng batas, ayon sa BPPO.