Rider

Batangas buy-bust: P1.36M shabu nasinghot sa HVI rider

18 Views

Rider1

Ibaan, Batangas — Swak sa kulungan noong Lunes ang isang itinuturing na High-Value Individual (HVI) matapos makumpiskahan ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Salaban 1.

Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na si alyas Juan, 36, may asawa, rider, at residente ng Brgy. Balete sa lungsod na ito.

Ayon sa ulat ni Batangas Provincial Director PCol. Oliver B. Ebora, dinampot ang suspek matapos umano magbenta ng ilegal na droga sa isang pulis na nagpanggap na buyer.

Isinagawa ang operasyon ng pinagsamang puwersa ng OPD-DEU/SOG at Ibaan Municipal Police Station, sa pakikipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency.

Nakuha mula sa suspek ang 200 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱1,360,000; cellphone, buy-bust money, plastic bag, pulang pouch, at salapi.

Isinagawa rin ang pagmamarka at imbentaryo ng ebidensya sa mismong lugar ng kaganapan sa harap ng isang kagawad ng barangay at kinatawan ng media, ayon sa probisyon ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Dinala na ang suspek sa Batangas Medical Center para sa pagsusuring medikal at sa Provincial Forensic Unit (PFU) para sa drug test.

Inihahanda na ang kaukulang kasong isasampa laban sa kaniya sa Tanggapan ng Piskal.