MWP

Suspek sa pagpaslang ng SEA Games gold medalist himas bakal

20 Views

MWP1MWP2

BAGSAK sa kulungan noong Martes ang itinuturing na Most Wanted Person, na may patong sa ulo na P 300,000 para sa kanyang pagkahuli.

Naaresto ang suspek na nakilalang si Dionisio Refel Calooy, alyas “Uni” o “Pablo,” bandang 2:40 ng hapon sa Tizon St., Brgy. Banaba, Bamban, Tarlac.

Isang warrant of arrest para sa kasong murder ang inisyu laban sa suspek ni Judge Charity Grace Alcantara Rico, ng RTC Branch 40 sa Calapan City noong March 28, 2025.

Pinangunahan ng Regional Intelligence Division 4B (RID4B) sa pamumuno ni PCol. Gerry M. Laylo ang joint operation laban sa suspek kasama ang suporta mula sa iba’t ibang yunit ng Philippine National Police (PNP), Philippine Air Force (PAF), NICA4B, at NISGSL.

Si alyas Pablo ang pangunahing suspek sa pagsaksak na ikinamatay ni Airman First Class (A1C) Merwin Maligo Guarte, miyembro ng PAF.

Si Guarte ay kinatawan ng Philippine Athlete Team at Southeast Asian (SEA) Games gold medalist.

Naganap ang pananaksak noong ika-7 ng Enero, 2025, bandang 4:30 ng madaling araw sa Sitio Pinagkaisahan, Brgy. Camilmil, Calapan City, Oriental Mindoro.

Kasalukuyang nakagitine ang suspek sa Calapan City Police Station sa Oriental Mindoro.