Binatilyo

Binatilyo, 13, nalunod sa ilog sa Bulacan

307 Views

Santa Maria, Bulacan — Isang 13-anyos na lalaki ang nalunod sa isang ilog sa Sitio Pisang, Barangay San Jose Patag, Santa Maria, Bulacan nitong Sabado.

Sa ulat na isinumite kay PRO3 Director Brig. Gen. Ponce Rogelio Peñones Jr., kinilala ng Bulacan police ang biktima na si Alino, isang estudyanteng residente ng Barangay Balasing, Santa Maria, Bulacan.

Batay sa imbestigasyon ng Santa Maria police, kasama umano ng biktima ang kanyang mga kaibigan na kinilalang sina alias “Justin,” “Jerwin,” at “Remy” na naligo sa ilog sa Sitio Pisang.

Habang naliligo, pumunta umano si Alino sa mas malalim na bahagi ng ilog at hindi na muling lumutang, dahilan ng kanyang pagkalunod.

Agad na ipinaalam ng mga opisyal ng Barangay San Jose Patag ang insidente at humingi ng tulong mula sa Santa Maria Rescue Team at sa Philippine Coast Guard (PCG) upang magsagawa ng operasyon sa paghahanap at pagsagip.

Sa kabila ng kanilang agarang pagtugon, hindi agad natagpuan ang biktima.

Matapos ang tuloy-tuloy na search and retrieval operation, natagpuan din ng mga rumespondeng ahensya ang bangkay ng biktima.