Calendar
Boga nasamsam sa negosyante, fitter sa Batangas

KAMPO HENERAL MALVAR–Laglag sa kamay ng batas noong Biyernes ang isang negosyante dahil sa pag-iingat ng baril na walang dokumento sa bayang ito.
Bitbit ang search warrant galing sa Regional Trial Court Branch 66 ng Tanauan City, nilusob ng Malvar police ang bahay ni alyas Jonathan, ayon kay Batangas police director PCol. Oliver Ebora.
Narekober ng mga awtoridad ang CZ 92 pistol kasama ang isang magazine na may anim na bala.
Inihahanda ang kasong paglabag sa RA 10591 laban sa naarestong suspek sa Provincial Prosecutor’s Office.
Kalaboso rin ang inabot noong Biyernes ng structural fitter matapos makumpiskahan ng kalibre .38 na baril, tatlong bala at markadong P6,000 sa buy-bust operation sa Brgy. Aplaya, Bauan, Batangas.
Ang suspek na si alyas Tano nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).

