Magsasaka, ‘nag-sideline’ sa droga, boga
Oct 30, 2026
Calendar
Provincial
Grade 8 student nasawi habang tumatawid; nahagip ng motor, 1 pang sasakyan
Gil Aman
Sep 13, 2026
150
Views
PATAY ang 14-anyos na Grade 8 student matapos masalpok ng humaharurot na motorsiklo at nahagip pa ng isang sasakyan sa Brgy. Tagapo, Sta. Rosa City noong Sabado.
Kinilala ang biktima na si alyas Dex na naisugod pa sa New Sanai Hospital subalit nalagutan din ng hininga dahil sa malubhang pinsala.
Nasa kustodiya na ng Sta Rosa police station ang suspek na si alyas Lou, 23, driver ng Rusi motorcycle na nagtitinda ng tinapay.
Dakong alas-9:18 ng gabi nang masalpok habang tumatawid ang biktima, ayon sa report.
Tumilapon ang biktima sa center ng highway at nahagip pa ng isa pang sasakyan na matuling tumakbo.
Reckless imprudence resulting in homicide ang isinampang kaso laban sa suspek ng traffic police.
Magsasaka, ‘nag-sideline’ sa droga, boga
Oct 30, 2026
Laguna gov tututukan infra projects
Oct 29, 2026

