Calendar
Buy bust ikinasa sa Binangonan; 3 suspek na tulak arestado, P346K ‘shabu’ kumpiskado

Binangonan, Rizal — Tatlong hinihinalang tulak ng iligal na droga ang naaresto sa buy-bust operation na isinagawa sa Sitio San Jose, Brgy. Pag-asa sa bayang ito.
Kinilala ng Binangonan Municipal Police Station ang mga nadakip na sina alyas Angelo at alyas Lorilyn, kapwa High-Value Individual kasama ang isang Street Level Individual na si alyas Jeric.
Ayon sa ulat, ikinasasa ng Municipal Drug Enforcement Team ang operasyon dakong 11:35 ng gabi sa pakikipagtulungan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Hindi na nakaporma ang mga suspek matapos makipagtransaksyon sa isang police poseur-buyer.
Nakumpiska sa kanila ang apat na heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 51 gramo at nagkakahalaga ng ₱346,800.
Narekober din sa operasyon ang isang coin purse, limang P100 scash, tatlong cellphone, isang walang plakang Yamaha scooter na ginamit sa operasyon, at buy-bust money na may markang “JBM.”
Nakapiitn na ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Seksyon 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

