Cainta P11M fire code fees iniulat na nawawala

Gil Aman Sep 18, 2026
108 Views

MAHIGIT P11 milyon na halaga ng Fire Code fees sa Cainta municipal fire station ang nawawala at natuklasan ang pagkawala nito noong Setyembre 4.

Lumitaw lamang ang nawawalang halaga sa meeting ng mga opisyal ng Business One Stop Shop department ng lokal na pamahalaan.

Sinasabing nawawala ang P11,209,546.45 mula sa 6,416 business establishments na nakolektahan ng bayad taun-taon.

Nasa pangangalaga umano ng personal at ang iba umano’y itinago sa mga bahay para maiwasan sakaling magkaroon ng sunog.

Iniulat ni FS Inspector Jeremiah Lebrilla Padunan ng Cainta Municipal Fire Marshal 7 ang nawawalang halaga.

“The concerned personnel and offices of the Cainta Fire Station were recommended to undertake a comprehensive reconciliation, validation, and accounting of all affected Fire Code Fee transactions,” ayon sa report.