Vic Reyes

Consignees di na kinuha droga sa NAIA, kesa mahuli

Vic Reyes Sep 28, 2025
195 Views

MASAYANG araw sa ating mga taga-subaybay, lalo na sa mga kababayan natin sa Japan, Oman, Saudi Arabia, at ibang panig ng mundo.

Binabati natin sina Ma. Theresa Yasuki, Mama Aki ng Ihawan, La Dy Pinky, Endo Yumi, Glenn Raganas, Patricia Coronel, Roana San Jose, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Josie Gelo, Hiroki Hayashi, at Hiroshi Katsumata na patuloy na naka-agapay sa mga kababayan nating Filipino sa Japan.

Binabati rin natin si Joann de Guzman at mga kasama niya sa Oman; Dolores Monfero, Delia Sunga ng Saudi Arabia.

Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.

God Bless!

(Para sa inyong komento at pagbati, mag-text sa +63 9178624484/email:philipreyes08@yahoo.com. Ilagay lang ang buonh pangalan at tirahan.)

***

Nakatunog o natimbrehan ang mga taong nagparating ng mga iligal na droga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City.

Ito ay matapos na walang nag-claim sa tatlong parcels sa warehouse sa Pasay City.

Ayon sa BOC-NAIA, ang tatlong parcels ay naglalaman ng illegal drugs na nagkakahalaga ng P8.8 milyon.

Ang isa sa tatlong unclaimed parcels ay naglalaman ng 992 grams of shabu.

Ang dalawa pang pakete ay naglalaman naman ng 1,396 grams ng high grade marijuana o kush.

Alam ng mga nagparating ng shabu at marijuana na nabisto na ng mga otoridad ang laman ng mga pakete.

Kaysa mahuli, hindi na kinuha ng mga consignees ang tatlong packages.

Mahirap na kasing lumusot ang mga shipments, parcels na may mga lamang illegal drugs.

Nandiyan ang mga x-ray machines at sniffing dogs.

Alam na ng mga BOC personnel ang modus operandi ng mga ismagler ng mga ipinagbabawal na gamot.

***

Dapat itutok ng mga mambabatas ang kanilang atensyon sa paggawa ng batas para hindi na maulit ang mga katiwalian sa flood control projects.

Alam na nila ang mga problema sa mga proyektong ito.

Kaya na nilang gumawa ng mga panukalang batas para tugunan ang problema.

Pabayaan na nila ang Independent Commission on Infrastructure (ICI) na imbestigahan ang mga ma-anomalyang proyektong ito.

Dapat ICI na lang ang humawak para hindi maging magulo ang imbestigasyon.

Sa tingin ng marami, kailangang bilisan ng mga mambabatas ang pagpanday ng mga panukalang batas.

Ito’y para mapirmahan agad ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga isususulong batas.

***

Grabe ang sunod-sunod na bagyong tumama sa bansa.

May mga namatay at maraming nasirang ari-arian, infrastructure, at pananim na puwede na sanang anihin.

Kawawa ang ating mga magsasaka, lalo na ang mga umaasa lang sa pananim.

Gutom ang aabutin nila at siguradong baon na naman sa utang.

Sana tulungan ng grobyerno ang mga kawawang Pinoy na ito sa kanayunan.

At sana makarating sa kanila ang mga tulong at huwag mapunta sa mga buwaya at buitre sa gobyerno.

Tama ba, Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel?