Calendar
Ang mga suspek na sina Jun (naka pula) at Arnel makaraan maaresto ng mga operatiba sa magkahiwalay na okasyon. Larawan ni GEMI FORMARAN
Delivery hub supervisor, kasapakat buking sa holdup me, kalaboso
PAGBILAO, QUEZON— Mabilis na naaresto ng pulisya ang “utak” sa panloloob ng isang delivery hub sa kahabaan ng National road sa Brgy. Mapagong sa bayang ito.
Kinilala ni Quezon police director Col. Romulo Albacea ang mga naarestong suspek na sina alyas Jun, 30, supervisor ng niloobang J&T Delivery Hub, at ang kanyang kababatang si alyas Arnel, 36, construction worker at residente ng Brgy. Ibabang Dupay sa Lucena City.
Base sa ulat ni Major Nemecio Calipjo Jr.,hepe ng Pagbilao police station, sinabi ni Albacea sa isinagawang in- depth investigation ay lumabas na si Arnel ang naloob sa establisimiyento at si Jun ang nagpakana ng panloloob kung kaya’t lumalabas na ang krimen ay isang inside job.
Bago ang pagkakaaresto, sinabi ni Calipjo ang Pagbilao police ay nakatanggap ng tawag na nilooba ang J&T Delivery Hub dakong 7:00 ng umaga noong Huwebes.
Si Adrian, 22, empleyado ng of J&T ay nagsabi sa mga pulis pagkaalis ng kanilang out going security guard ay bigla na lamang pumasok ang isang lalaki na nakasuot ng itim na helmet jacket at kaagad nagdeklara ng hold- up.
“Nasaan ang pera? Kapag hindi mo inilabas, babarilin kita”, pasigaw umanong sinabi ng lalaki habang nakapasok ang kanang kamay sa loob ng suot na jacket.
Ayon pa kay Adrian, kunuha umano ng lalaki ang kanyang cell phone bago pinabuksan sa kanya ang vault kung saan kinuha nito ang cash na nagkakahalaga ng P389,510.00 (base sa record ng cashier) bago tumakas sakay ng motorsiklo na pag- aari ng kompanya.
Subalit matapos ang isinagawang verification, sinabi Calipjo na may nakitang discrepancy sa halaga ng cash na naka dekalarang natangay at lumabas na P229, 510.00 ang natangay na halaga.
Lumabas umano na isinama ni Jun ang halagang P160,000.00 mula sa mga cash remittances mula sa mga delivery riders, na matagal na niyang inutang bago pa naganap ang hold- up.
Sinabi ni Calipjo na si Jun umano ay nalulong sa on line gambling, ayon sa kanyang impormante.
At dahil sa masugid nilang follow- up operation at investigative efforts, sinabi ni Calipjo na sina Jun at Arnel ay nalantad bilang silang nasa likod hold- up.
Umamin na din umano ang dalawa sa krimen kung kaya’t kaagad silang sinampahan ng kasong robbery at ikinulong.
Sa tanong kung bakit naisipan ni Jun na gawin ang krimen, sinabi ni Calipjo na, “Una ay dahil nga may utang na P160,000 sa company si Jun. At ikawala, si Arnel naman na kababata niya ay palagi daw nangungutang sa kanya. Kaya kapag naholdap ni Arnel ang kompanya, kikita ito at siya naman ay makakaabswelto sa utang niya”.

