DHSUD

DHSUD kinilala pabahay sa Mandaue

Jun I Legaspi Aug 29, 2026
143 Views

DHSUD1KINILALA ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang pagpapatupad ng ligtas at makabagong solusyon sa pabahay sa Mandaue City.

Sinabi ni Mayor Jonkie Ouano ang pagtatatag ng Bayanihan Village sa Brgy. Guizo na isang modular shelter community na itinayo sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan at DHSUD sa pamumuno ni Secretary Jose Ramon Aliling.

Ang proyekto ay nagbibigay ng pansamantalang tirahan, daycare center at health center sa mga pamilyang nangangailangan.

Pinasalamatan ni Mayor Ouano si DHSUD Regional Office VII Director Mark Anthony Lindugan sa suporta sa pagsusulong ng mga housing initiatives sa Central Visayas.

Pinalalawak pa ng pamahalaang lungsod ang kanilang housing program sa pamamagitan ng design-and-build implementation ng tatlong residential buildings at iba pang proyektong isinusulong sa ilalim ng flagship program ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.–ang Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program.

Ang pakikipagtulungan ng Mandaue City at DHSUD Region VII ay patunay ng iisang layunin ng pambansa at lokal na pamahalaan: ang paghahatid ng disente, matibay at abot-kayang mga pabahay na nagpapabuti sa buhay ng mga Pilipino.