Garcia

Garcia inalam kalagayan ng mga binaha sa Hermosa

Christian Supnad Aug 29, 2026
281 Views

HERMOSA, Bataan–Dumalaw noong Sabado si Gov. Joet Garcia sa mga evacuees sa Hermosa covered court sa Brgy. Burgos-Soliman upang tiyakin na maayos ang kalagayan ng mga evacuees.

Kinumusta ni Gov. Garcia ang mga nanunuluyan sa covered court na lumikas doon dahil sa pagbaha sa kanilang mga lugar.

Maraming parte sa Bataan ang lubog sa baha at hindi madaanan ng sasakyan ang ilang kalsada.

Kasama sa pagbisita si dating mayor Jopet Inton, katuwang at mga kawani at iba’t-ibang tanggapan ng Hermosa.

Nagkaisa ang mga tanggapan at grupo na magbigay ng tulong, mag-asikaso sa mga evacuees at tiyakin ang kanilang kaligtasan at seguridad, sabi ni Gob. Garcia.

Pinasalamatan ng mga tao si Gov. Garcia sa pagdamay sa kanila.

“Sa panahon ng kalamidad, makikita natin ang tunay na diwa ng bayanihan—tulong-tulong, sama-sama at nagkakaisa sa iisang hangarin,” ayon sa gobernador.