Calendar
VACC kinilala mga nagawa ni PRO 4A Director Baccay


KAMPO CRAME, Quezon City–Pinarangalan noong Sabado ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) si Police Brigadier General Dominic Baccay, director ng Police Regional Office (PRO) 4A, dahil sa tagumpay sa kampanya laban sa ilegal na droga.
Ipinagkaloob kay Baccay ang plaque of recognition sa pagdiriwang ng 28th anniversary ng VACC sa PNP multi-purpose center.
Ang award ay pagkilala sa mga naging kontribusyon noong siya pa ang provincial director ng Rizal Police Provincial Office.
Kinilala din ng VACC ang kanyang B.E.S.T. Policing Framework–ang Be Visible, Engage Immediately, Serve Together and Transform Trust.
Ayon sa organisasyon, malaki ang ambag ng naturang framework upang makabuo ng mas tumutugon, maaasahan at nakatuon sa komunidad na pwersa ng pulisya sa buong CALABARZON.

