Calendar
Jaen nakatakdang magkaroon ng PAO district office
JAEN, Nueva Ecija–Pumayag si Public Attorney’s Office (PAO) chief Dr. Persida Rueda-Acosta sa hiling ng bayang ito na magbukas ng PAO district office.
Bumisita ang alkalde ng Jaen na si Atty. Sylvester Austria kay Acosta para hilingin ang bagay na iyon na agad namang pinagbigyang ng hepe ng PAO
“Your wish is granted,” pahayag agad ni PAO chief Acosta kay Austria.
“Gumagastos pa ang mga kababayan ko para bumiyahe ng 15 kilometro patungong Sta. Rosa para sa kaso sa MTC at 13 kilometro naman papunta ng korte sa Gapan,” sabi ng mayor.
Ayon sa PAO chief, sa itatayong PAO sa Jaen, “magiging highly accessible para sa kababayan natin ang inyong legal needs, libre ang legal services pati notaryo, affidavit of loss, puwera lang ang mga deed of sale na may commercial value.”
Dadalo si Acosta sa opening nito kapag naisapinal na ang petsa sa Setyembre.

