Calapan

Opening ng Calapan City coliseum nakatakda sa Sept 9

Helen D. Prado Aug 30, 2026
138 Views

CALAPAN City–Handa na ang siyudad na ito sa pagbubukas ng Calapan City coliseum at nagsagawa na ng huling inspeksyon si Mayor Doy Leachon upang masiguro na walang aberya sa pagbubukas sa Setyembre 9.

Kasama rin sa inspeksyon sina City Architect Elmer Villas, City Engineer Rigor Abutar, Nepo Jerome Benter at si Marvin Panahon ng Lungsod na Kagawaran para sa Kabataan at Pagpapaunlad ng Sports.

Naglahad ang bawat isa ng ulat tungkol sa mga natapos na gawain, natitirang paghahanda at pagpaplano para sa opisyal na pagbubukas na kasabay sa pagsisimula ng 21st Calapan City Athletics Association (CCAA).

“Magagamit na natin ang ating makabago at de‑kalidad na Calapan City Coliseum. Magkita‑kita tayo sa Setyembre 9,” sabi ng siyudad.