Mabini

Medalya ng Kagalingan ibinigay sa 7 pulis-Mabini

130 Views

Mabini1Mabini2MABINI, Batangas–Pinarangalan ng Medalya ng Kagalingan ang pitong tauhan ng Mabini police kasunod ng anti-illegal drug operation sa ilalim ng PRO4A “Agarang Parangal” program.

Si PMaj. Hazel Suarez, Officer-In-Charge ng Mabini police, ang nagbigay ng parangal dahil sa katapangan ng mga pulis sa pagtupad ng kanilang tungkulin.

Pinarangalan sina PMSg Leandro Adante, PMSg Leody Panganiban, PCpl Lino Hintural Jr., at Rafael A. Eban Jr., at Patrolmen James Solomon Comia, Charles Bryan G. Matira at Kyle Ivan Jamilan sa kanilang buy-bust noong Agosto 26 sa Brgy. Sampaguita, Mabini, Batangas.

Ayon sa Mabini police, ang pagkilala ay hindi lamang karangalan kundi inspirasyon sa buong hanay ng kapulisan na maglingkod ng may integridad at malasakit.