Hermosa

International Coastal Cleanup Day ginanap sa Hermosa, Mariveles

Christian Supnad Sep 19, 2026
254 Views

Hermosa1BATAAN–Nakikiisa ang Hermosa na pinangungunahan ni Mayor Ann Inton at Kapitan Dante Malimban ng Alas asin, Mariveles, Bataan sa pagdiriwang noong Biyernes ng International Coastal Cleanup Day.

Layunin ng Coastal Cleanup Day na mapanatiling malinis, ligtas, at maayos ang kapaligiran at mga daluyan ng tubig.

“Ang pangangalaga sa ating karagatan, ilog, at iba pang waterways ay hindi lamang responsibilidad ng pamahalaan.

Ito ay sama-samang tungkulin ng bawat isa upang maprotektahan ang ating kalikasan at mapanatili ang isang malinis at ligtas na Hermosa para sa kasalukuyan at sa mga susunod na henerasyon,” sabi ng mayor.

Pinasalamatan ni Malimban ang lahat ng kabarangay, volunteers, frontliners at mga organisasyon na nakiisa at naglaan ng oras para sa International Coastal Cleanup Day sa Alas asin, Mariveles, Bataan.

“Ang bawat kamay na tumulong, bawat basurang napulot, at bawat oras na inilaan ay malaking ambag para mapanatiling malinis, ligtas at maayos ang ating kapaligiran.

Maraming salamat po sa ating mga katuwang na ahensya sa programang ito sa pangunguna ni Jake de Luna, Philippine Coast Guard (PCG), Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP) at mga kawani ng LGU,” dagdag ni Mayor Inton.