Australian

Kaso ng harassment, psychological abuse nauwi sa deportation order sa Australian

Jun I Legaspi Jul 21, 2026
112 Views

INARESTO ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang 57-anyos na Australian national na may deportation order dahil sa mga reklamo ng harassment at psychological abuse sa Bacolod City noong Hulyo 10.

Kinilala ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang banyaga na si Bradley Vincent Gould, na naaresto sa Brgy. Sum-ag, Bacolod City.

Si Gould ay may warrant of deportation na inilabas ng Bureau matapos makatanggap ng mga reklamo ng harassment at psychological abuse laban sa kanya. Natunton siya sa pamamagitan ng intelligence monitoring.

Matapos ang pag-aresto, ipinaalam kay Gould ang kanyang mga karapatang konstitusyonal, dinala sa Maynila at inilipat sa Bureau of Immigration Warden Facility sa Muntinlupa City kung saan siya mananatili habang hinihintay ang deportasyon.

“Patuloy naming ipatutupad ang ating mga batas sa imigrasyon ng may katatagan at makikipagtulungan sa ating mga katuwang sa pagpapatupad ng batas upang matiyak na ang mga may deportation order ay matutunton, maaaresto at maaalis sa bansa,” ani Viado.

Nagpasalamat din ang Bureau sa mga katuwang na ahensya sa tagumpay na operasyon.