Kongresista ng Bataan isinulong insentibo sa mga kawani ng gobyerno

Christian Supnad Jul 18, 2026
196 Views

ISINUSULONG sa Bataan ang batas sa insentibo para sa mga kawani ng gobyerno, ayon kay Congressman Abet Garcia.

Nakapaloob ang insentibo sa House Bill No. 8520 na tinawag na makasaysayan para sa Kongreso.

Ayon kay Cong. Garcia, layuning ng batas na ito na bigyan ng gantimpala o insentibo ang mga LGU at mga pambansang ahensya na naghahatid ng konkretong resulta sa kanilang mga komunidad.

Sa Bataan, ani Garcia, naging ehemplo at matibay na patunay na kapag gumamit ng datos para masubaybayan ang tunay na pag-unlad ay talagang umuunlad ang kalidad ng buhay ng mga mamamayan.

Naniniwala si Cong. Garcia na kapag ang pamahalaan ay pinatatakbo nang may disiplina at malinaw na layunin, ang taumbayan ang laging nananalo.

Si Cong. Garcia din ang may akda sa conversion ng naluging PEZA na naging Freeport Area of Bataan ngayon.