Vic Reyes

Marami nagsasabi Bato dapat isurrender na sa ICC

Vic Reyes May 13, 2026
63 Views

MALIGAYANG araw sa lahat ng ating kababayan sa Japan at iba pang panig ng daigdig.

Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.

Binabati natin sina Ma. Theresa Yasuki, Roana San Jose, Patricia Coronel, La Dy Pinky, Mama Aki ng Ihawan, Glenn Raganas, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Josie Gelo, Endo Yumi, Hiroki Hayashi, at Hiroshi Katsumata.

Binabati rin natin sina Joann de Guzman at mga kasama niya sa Oman; Dolores Monfero, Delia Sunga ng Saudi Arabia.

God bless mga kabayan!

***

Noong Mayo 8 ay nakatuklas ang Bureau of Customs (BOC) ng P3.3 bilyong halaga ng iba’t ibang brand ng sigarilyo at raw tobacco materials sa isang container yard sa Mindanao.

Ang major inspection operation ay isinagawa ng BOC-Port of Surigao sa isang container yard sa Surigao del Norte. Tumulong sa inspeksyon ang Philippine National Police (PNP).

Ang mga sigarilyo at tabako ay loaded sa 54 container vans. Dalawa sa 54 container vans ay naglalaman ng raw tobacco materials.

Isinagawa ang operasyon alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na paigtingin pa ng BOC ang kampanya laban sa ismagling.

Ang shipping lines at consignees ng 54 container vans ay hindi nakapagbigay ng “proof of payment of duties and taxes, import permits at shipping documents.”

Dahil dito ay ipinadlock ang 54 container vans at binabantayan ngayon “24 hours a day” ng Customs Police, ESS District Office ng Port of Surigao at PNP.

Ang inspection operation ay isinagawa sa bisa ng Letter of Authority (LOA) na inilabas ni Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno.

“The operation reflects our firm commitment to going after illicit tobacco shipments and ensuring that all imported goods entering the country are properly declared and compliant with customs laws,” sabi Nepomuceno.

Sinabi pa ni Commissioner Nepomuceno na patuloy nilang papalakasin ang kanilang “enforcement efforts and work closely with partner-agencies.”

Determinado ang gobyerno, sa pamamagitan ng BOC at partner-agencies, na pigilan ang iligal na pagpasok ng mga produkto sa bansa.

Lalo na ang mga ipinagbabawal na gamot, na kagaya ng shabu, cocaine, marijuana at ecstasy, at produktong agrikultura.

Ang ismagling ng iba’t ibang agricultural products, kasama ang bigas, gulay isda, ay isa sa nagpapahirap sa ating mga magsasaka at mangingisda.

Hindi nabibili ang mga local agricultural products dahil mas mura ang mga puslit na gulay at isda.

Salamat at nandiyan ang mga opisyal at tauhan ng BOC at partner-agencies nito.

***

Mukhang hindi na matapos-tapos ang mga political problems na nagiging dahilan ng pagkawatak-watak natin.

Nandiyan ang ‘di matapos-tapos na impeachment ni Bise Presidente Sara Duterte.

Katatapos pa lang ng impeachment hearings sa House of Representatives eh nandiyan na naman ang biglaang pagpapalit ng liderato sa Senado.

Handang-handa ng tanggapin ng Senado ang Articles of Impeachment nang biglang palitan ni Senador Alan Peter Cayetano si Senador Tito Sotto bilang Senate President.

Ang problema, ang grupo ni Cayetano ay kilalang kapanalig ni VP Duterte.

At nandiyan pa ang masalimuot na protective custody ng Senado kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa na may warrant of arrest galing sa International Criminal Court (ICC).

Marami ang nagsasabing dapat i-surrender ng bansa si Senador dela Rosa sa ICC na kung saan siya nahaharap, kasama ni dating Pangulong Digong Duterte, ng kasong“crimes against humanity.”

***

Ang dami na nating kababayan na nahihirapan dahil sa sobrang init ng panahon.

Malamang na ito na ang epekto ng lumalalang climate change hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

Ang magagawa lang natin ay mag-ingat sa mga sakit na usong-uso kapag panahon ng tag-init.

Tsk tsk tsk…

(Para sa inyong komento at suhestiyon, mag-text sa #0917-8624484/email:philipreyes08@yahoo.com.)